Maynila, nagpasa ng ordinansa tungkol para sa LGBTQI protection

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Manila PIO

Pinirmahan ni Manila Mayor Isko Moreno noong Oktubre 29 ang isang ordinansa na layong protektahan ang mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer and intersex (LGBTQI) community sa Lungsod ng Maynila mula sa diskriminasyon at pang-aabuso.

Ang Ordinance No. 8695, o ang Manila LGBTQI Protection Ordinance, ay layong alisin ang “any and all forms of discrimination against LGBTQI solely on the basis of their sexual orientation, gender identity, and expression” o SOGIE. 

Nakalista sa nasabing ordinansa ang 12 na gawaing posibleng ituring bilang “diskriminasyon”. Kabilang na dito ang pagtanggi na mabigyan ng employment at iba pang oportunidad ang mga miyembro ng LGBTQI dahil lamang sa kanilang SOGIE.

Maglilikha naman ng isang Gender Sensitivity and Development Council para pangasiwaan ang implementasyon ng bagong ordinansa.

Inutusan din ang lahat ng mga barangay ng lungsod na magtatag ng isang LGBTQI desk upang tugunan ang mga hinanaing ng LGBTQI community.

Ginawa ring mandatoryo ng ordinansa para sa mga establisyimento na gumawa ng mga gender-nuetral na palikuran sa loob ng tatlong taon mula sa pagpapasa ng ordinansa. Ang lalabag sa kautusang ito ay posibleng hindi makapag-renew ng business permit.

Ang mga lalabag sa bagong kautusan ay maaaring magmulta ng P1000 hanggang P5000, kasama ang pagkakakulong nang aabot sa isang taon.

Pinasalamatan naman ni Yorme ang ilang LGBTQI groups na tumulong sa pagbuo ng naturang ordinansa.

“Months before signing of the anti-discrimination ordinance: SOGIESC 101 with advocates from PANTAY Pilipinas, GANDA Filipinas, PioneerFTM, and LGBTQIA+ student leaders from various groups. Thank you for the knowledge you have shared with us!” pahayag ni Moreno sa pamamagitan ng ilang tweets.

LATEST