Malacañang, tiniyak na sapat ang pondo sa pagtugon sa mga kalamidad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Siniguro ng Malacañang na may sapat na pondo ang gobyerno para sa mga kalamidad sa hinaharap, paglilinaw nito noong Oktubre 29 kasabay ang pagbabadya ng posibleng bagyo.

“We do have enough funds. We have about P800 million worth of standby funds and family packs ready for deployment kapag nagkaroon na naman ng aberya kagaya ng bagyo,” ani Presidential spokesman Harry Roque.

Dagdag pa nito, “Ang kailangan ng mga mag-e-evacuate ay naka preposition po, hindi lang pagkain pati evacuation centers have been identified.”

Ayon sa weather bureau ng bansa na PAGASA, posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Oktubre 29 ang isang bagyo na mas malakas pa kay Bagyong Quinta, na nag-iwan ng hindi bababa sa 16 kataong nasawi, at nakapagdulot ng matinding pinsala sa mga istruktura at pananim.

Noon lamang nakaraang linggo, hinagupit ng Bagyong Pepito ang ilang bahagi ng Luzon, kung saan nauwi ito sa mahigit P100 milyong pinsala sa mga sakahan at istruktura, na karamihan ay school buildings.

LATEST

LATEST