Kongresista, umapela sa ‘mega task force’ na isama sa imbestigasyon ang mga ‘untouchable’ na opisyal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Angie de Silva (Rappler)

Walang opisyal ang dapat maligtas mula sa malawakang imbestigasyong ikinasa ng pamahalaan sa pamamagitan ng bagong binuong “mega task force,” giit ng isang kongresista noong Oktubre 29.

Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na dapat walang maging “scared cows” sa ipinaplanong imbestigasyon, bagama’t nagbitiw ng mga pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring gawing “untouchable” ang ilang mga opisyal.

Tinutukoy ni Lagman ang pagdepensa ng pangulo kay Health Secretary Francisco Duque III at Public Works and Highways Secretary Mark Villar habang nasa gitna ng kontrobersyang kinakaharap ng kani-kanilang mga ahensya.

Aniya,  “It should involve everybody, and no one should be exempted from the coverage of this anti-corruption campaign. I think the President should not preempt the decision of any graft-busting body by exempting from its coverage certain personalities.”

“I am not saying that Secretary Villar and Secretary Duque are under corrupt charges. But they should not be exempted from the inquiry to be conducted by this super graft body. It appears that the statement of the President already prejudged that they are not subject to the jurisdiction of the super committee, because the president has cleared them already,” dagdag pa ni Lagman.

Sa huli nitong mga talumpati, dinipensahan ni Duterte ang dalawang kalihim mula sa mga paratang ng kurapsyon. Sinabi nitong “mayaman” na si Villar para magnakaw, at naniniwala rin itong hindi nangulimbat si Duque ng pera mula sa pamahalaan.

Ang tindig ni Lagman ay kapareho sa tindig ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, na naging mali aniya ang paunang hakbang ng ng task force.

Kinuwestyon din ni Lacson kung bakit mabilis si Duterte na linisin ang pangalan nina Villar at Duque.

“I’m not trying to say na ‘yung dalawa ay may kinalaman sa corruption. Pero para magkaroon kaagad ng, at the outset, meron na agad na hindi dapat galawin, paano magsu-succeed naman ‘yung effort to curb corruption? ‘Di ba dapat lahat isama?” giit ni Lacson.

Tiniyak naman ng Department of Justice (DOJ) na hindi exempted sina Villar at Duque sa isasagawang

Sinuguro rin ng Malacañang na papanagutin ang mga opisyal na masasangkot sa iregularidad – gaano man sila kalapit kay Duterte.

“Naghahanap lang ng ebidensya ang Pangulo. Kahit gaano kalapit sa kanya, kahit gaano ang pagpuri niya sa nakaraan, kung meron naman pong ebidensya ng katiwalian, ay pararusahan ng Presidente,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING