Duterte, posibleng magtakda ng price ceiling para sa Covid-19 tests

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Posibleng mag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng price ceiling para sa Covid-19 tests sa mga pampribadong ospital at laboratoryo, pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Oktubre 29.

Ang rekomendasyon aniya na ipindala ng Department of Health (DOH) noong Setyembre ay inaprubahan na ng isang sub-technical working group at ng Office of the Executive Secretary. Hinihintay na lamang umano ang pirma ng pangulo upang maging ganap na executive order ito.

“From all indication, mukha naman pong magkakaroon ng price cap… Why is that? Kasi yung iba po napakataas talaga ng sinisingil. Alam naman natin na pwedeng mas mura yang testing na yan,” giit ni Roque sa isang media forum.

Ayon naman sa DOH, wala pang recommended na price set sa ngayon, subalit nakapagsagawa na ito ng surveys upang madetermina ang range.

Umapela rin ang Department of Tourism (DOT) na magpatupad ng limit sa RT-PCR at antigen tests — na isang requirement bago makapasok sa mga tourist spots.

“The DOT supports the call to impose a price cap on RT-PCR and antigen testing to make traveling an affordable option for all,” wika naman ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat noong Okttubre 27.

LATEST

LATEST

TRENDING