DILG: Ilang lokal na pamahaalan, umaapela sa kanilang quarantine status

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DILG Asec Jonathan Malaya | PTV News
Interior Undersecretary Jonathan Malaya

Ilang mga lokal na pamahalaan ang umaapela tungkol sa kani-kanilang mga general community quarantine status, ang ikalawa sa 4-level hierarchy ng lockdowns, ngayong Nobyembre, pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na mananatili sa GCQ ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City, at Lanao del Sur, hanggang Nobyembre 30 ngayong taon.

“Mayroon pong mga appeals, pero hindi pa po puwedeng ito ay ilabas. Iyon po kasi ang proseso namin,” ani Interior Undersecretary Jonathan Malaya.

Ang huling pagpapasya tungkol sa quarantine classifications ay isaspubliko aniya sa Huwebes, Oktubre 29, ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque earlier said.

Hinikayat ng mga alkalde ng Metro Manila si Duterte na panatilihin ang GCQ hanggang Nobyembre 30.

“Ang gusto ng karamihan, make it permanent because they have seen the goodness of the result. It has considerably lowered the number of people infected with the microbe,” wika ni Duterte sa isang taped speech na umera noong Oktubre 27.

Dagdag pa nito, “Palagay ko naman, sa inyo rin itong kapakanan. Look, we are not here to make your life miserable or sad. We are here to make your life comfortable, and to make you happy.”

LATEST

LATEST

TRENDING