Abogado, kinilala ang paggawa ni PRRD ng ‘mega’ task force kontra katiwalian

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Kinilala ng isang abogado noong Oktubre 28 ang isinasagawang hakbang ng binuong task force ni Pangulong Rodrigo Duterte para sugpuin ang katiwalian sa buong pamahalaan.

“Mas mabuti pa yan kaysa magpa-file ng false charges, red- tagging, mga kalokohang charges. Nawe-waste lang ng oras nila doon. Ito, napakahalagang problema,” giit ng Constitutional law professor na si Antonio La Viña.

Noong Oktubre 27, nag-isyu si Duterte ng memorandum na nagmamando sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga anomalya sa mga ahensya ng pamahalaan hanggang sa dulo ng termino nito sa 2022.

“I welcome this prioritization ni Pangulong Duterte sa corruption kasi matindi talaga sa alam ko,” wika ni La Viña.

Nakatakdang bumaba sa puwesto si Duterte sa 2022.

Aniya, “Better late than never. Sana ito na lang muna gawin nila. Mag-focus sila dito at magkaroon tayo ng malalaking isda.”

Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra noong Oktubre 28 na nagtukoy na ang ahensya ng limang ahensya na bibigyan ng prayoridad sa imbestigasyon.

Ang mga ito ay ang PhilHealth, “usual suspects” na Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue, Land Registration Authority, at Department of Public Works and Highways.

“Sana, this time wala na tayong sacred cows. Kung bakit may corruption, dahil ‘yan may impunity because it pays to be corrupt in this country,” giit ni La Viña.

Dagdag pa nito, “Wag yung pipitsugin, maliliit na tao, mga employee lang. Palaging 100 persons lang hahabulin mo, yung top 100 officials lang in your list. If they have that list, effective yung prosecution.”

Binigyang diin din ni La Viña na hindi na dapat i-appoint ng pangulo ang mga tinanggal nitong opisyal.

“Pinakamahalaga talaga, follow up with charges. ‘Yan ang ‘di natin nagagawa. Ang dami-dami nating iskandalo, pero bihira lang talaga na napapatuloy ang charges,” paliwanag ng propesor.

LATEST

LATEST

TRENDING