Senado, nais isumite sa Malacañang ang 2021 badyet sa gitna ng Disyembre: Sotto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senate President Vicente Sotto III 
Kuha ni: Joseph Vidal (Senate PRIB)

Ipinahayag ni Senate President Vicente Sotto III noong Oktubre 28 na binabalak ng mga senador na isumite sa Malacañang ang P4.5-trilyong 2021 General Appropriations Bill sa gitna ng Disyembre, o dalawang linggo bago mag-expire ang kasalukuyang umiiral na badyet.

Umaasa ang Senado na makapagsisimula ito sa plenary debates ng badyet sa Nobyembre 10 at maaprubahan naman ang bicameral committee report sa Disyembre 8, ani Sotto.

Aniya, “We will probably start 10 a.m. or 9 a.m., and probably end up around 12 a.m., para lang matapos namin ‘yung period of interpellations by November 17.”

Maaaring isapinal ng Senado ang mga amendments at aprubahan ang badyet sa parehong ikalawa at ikaltong pagbasa sa Nobyembre 24 sapagkat “sinertipikahan itong urgent”.

Kaya naman umano itong isakatuparan kung walang magaganap na deadlocks sa pagitan ng mga senador at representante sa gaganaping bicameral conference.

“Hindi naman sa kinakabahan ako… Pero nangyari kasi in the past na pagdating sa bicam, hindi kami nagkakasundo sa amendments,” wika ng Senate President.

Dagdag pa nito, “Magkakatalo ‘yan kung ang amendments ay sticking out like a sore thumb.”

Ibinunyag din ni Sotto na nakatakda itong makipagpulong kay House Speaker Lord Allan Velasco sa Oktubre 30. Hindi naman nito sinabi ang agenda ng nasabing meeting.

“Kami sa Senado, we try our best to be cooperative… I don’t see any problem. Madali mag-usap,” giit ni Sotto.

LATEST

LATEST