Opisyal ng DOT, binatikos dahil sa pagpapakilala nito kay Bongbong Marcos bilang VP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOT Region 1 Director Jeff Ortega
Larawan mula sa: DOT Region 1 Facebook Page

Nanguna sa trending list ng Twitter ang Department of Tourism Region 1 Director na si Jeff Ortega noong Oktubre 27 matapos mag-viral ang video nito, kung saan ipinakilala niya si dating Sen. Bongbong Marcos bilang pangalawang pangulo.

Dahil dito, binanatan ng mga netizens si Ortega dahil pambabastos aniya ito sa tunay na pangalawang pangulo na si Leni Robredo.

Tinalo ni Robredo si Marcos noong 2016 vice-presidential elections nang mahigit sa 263,000 votes.

Sa Instagram, ipinakilala ni Ortega si Marcos bilang “former senator and vice president” sa ginanap na tourism branding launch ng rehiyon.

Ang nasabing video na ipinost noong Oktubre 20 sa kanyang opisyal na Instagram account ay naka-private na, at nakahakot ito ng 13,000 views.

Ayon naman sa Facebok page ng Department of Tourism (DOT) Ilocos Region, ang naturang event ay ginanap sa Sitio Remedios Heritage Village sa Currimao, Ilocos Norte.

Ang launch ng panibagong kampanya ng ahensya na pinamagatang “Find the ONE in Region 1” ay dinaluhan nina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc, at Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson.

Si Ortega, na nagmula sa prominenteng angkan ng mga politiko sa La Union, ay itinalagang tourism director sa Ilocos Region noong Setyembre 2019.

Bago maging kawani ng pamahalaan, nakilala ito bilang negosyante at kasintahan ng aktres na si Jasmine Curtis-Smith.

LATEST

LATEST

TRENDING