DOJ, nagtukoy ng 5 ahensya na posibleng maharap sa imbestigasyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOJ Secretary Menardo Guevarra
Kuha ni: Mark Demayo (ABS-CBN News)

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) noong Oktubre 28 na nagtukoy ito ng limang ahensya na posibleng bigyang prayoridad sa imbestigasyon, alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paimbestigahan ang buong pamahalaan para sa katiwalian.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kabilang na rito ang PhilHealth, ang mga “usual suspects” na Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue, Land Registration Authority, at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Unang bumuo ng task force ang DOJ para paimbestigahan ang PhilHealth dahil sa alegasyon ng katiwalian. Hindi pa ito natatapos.

Magbubuo naman ng panibagong task force ang ahensya na may parehong miyembro upang paimbestigahan ang mga departamento ng pamahalaan.

“I think within the term ng President may ipapakita tayong resulta sa taumbayan,” ani Guevarra.

Ang mga mambabatas at iba pang kawani ng gobyerno ay paiimbestigahan kung sangkot ang mga ito sa mga kriminal o kurap na aktibidad sa executive department, diin ng kalihim.

Aniya, “Natural dahil kung ‘yun ay incidental to the investigation of an executive agency kung may part sa isang criminal act, di naman natin tinitingnan kung siya ay miyembro ng Kongreso, hudikatura o executive department.”

“Sama-sama ‘yan because it’s a criminal act, the corrupt act na tinitingnan natin. Kung may ebidensiya ng kanilang involvement, direct o indirect, ay kasama sila,” dagdag pa nito.

Ang pagpapahayag umano ng kumpiyansa galing sa pangulo ay hindi mag-aalis sa pananagutan ng mga opisyal, giit ni Guevarra.

Aniya, “I have always viewed that as an expression merely of trust in the person. Ganun ang kaniyang tiwala sa mga taong ito. It’s merely an expression of trust but it’s not an expression of exoneration,.”

“I don’t think simply because he has expressed trust in a certain person eh babalewalain niya kung ang ebidensiya na nagpapakita ng involvement ay glaring,” dagdag pa ng kalihim.

Magsasagawa rin umano ang DOJ ng lifestyle checks at gagamitin din ang Statement of Assets, Liabilities and Net ng mga opisyal sa isasagawang imbestigasyon.

“‘Di siya conclusive pero makakatulong ‘yan eh,” wika ni Geuevarra, habang ibinigay na halimbawa ang isang Immigration security guard na may P10 milyong net worth.

LATEST

LATEST