Pamahalaan, hinikayat ang mga employers na magpatupad ng staggered work shifts

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mark Demayo (ABS-CBN News)

Hinikayat ng pamahalaan ang mga negosyo na magpatupad ng staggered work shifts alinsunod sa hakbang nito na muling buksan nang ligtas ang ekonomiya.

Nag-isyu ng kautusan ang Departments of Trade and Industry (DTI), Labor and Employment (DOLE), at Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ng joint advisory noong Oktubre 22, kung saan hinikayat nito ang alternative work arrangements at work-from-home set-ups. 

“This will spread the volume of people reporting for work on a given day and enable easier compliance to physical distancing,” pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez.

“This move will bring back more jobs in a safe manner, and the easing of curfews will generate additional economic activities in the evening that will improve the income of workers,” wika naman ni Labor Secretary Silvestre Bello.

Mas maraming sektor din ang pinahintulutang makapagsagawa ng operasyon mula kalahati hanggang buong kapasidad, habang ang mall-wide sales ay pinahintulutan din.

Mariing hinihikayat din ang publiko na sundin ang minimum health standards tulad ng wastong pagsusuot ng face masks at face shields; pagbabawal na makipag-usap sa pampublikong transportasyon at matataong lugar; at pag-obserba ng physical distancing.

Hinikayat din ang mga establisyimento na magpatupad ng sapat na bentiliasyon, madalas na disinfection, at isolation ng mga symptomatic Covid-19 cases.

“The transmission of the virus will definitely slow down even if we open more of the economy. Thus, this will allow more people to go back to work and generate more income, and bring back our strong momentum in reducing poverty and malnutrition,” dagdag pa ni Lopez.

LATEST

LATEST

TRENDING