Palasyo: PRRD, nagtalaga na ng ‘vaccine czar’, subalit ayaw muna nitong lumabas sa publiko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagtalaga na aniya si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang opisyal na mamumuno sa importation at distribusyon ng makukuhang bakuna kontra Covid-19 sa hinaharap, pahayag ng Malacañang noong Oktubre 26.

Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Palasyo na magtalaga ng “vaccine czar”—bagay na tinugunan umano ng Malacañang, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Aniya, “In fact, 2 months ago si Presidente may itinalagang vaccine czar.”

“Kaya nga lang po, iyong natalagang vaccine czar is hesitant when I asked him if I could remind the public kasi baka hindi na raw po naalala ni Presidente. He would like to wait for the President to make the announcement anew,” dagdag pa ni Roque. 

Unang sinabi naman ni Roque na bagama’t may pondo nang gagamitin para sa pagbili ng Covid-19 vaccine, nananatiling “hamon” ang importation at storage nito.

Ang potential coronavirus vaccine ay dapat ilagay sa malamig na pasilidad na may temperaturang aabot sa -90 degrees Celsius.

Isa lamang ang ganitong uri ng pasilidad sa bansa at ito ay ang Research Institute for Tropical Medicine in Muntinlupa, giit ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING