Malacañang: Pondong pinambili ng DepEd ng mga bagong sasakyan, inaprubahan na bago ang pandemiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ang kabibili lamang na mga service vehicles ng Department of Education (DepEd) na nagkakalaga ng milyun-milyong piso ay inaprubahan aniya bago pa man pumutok ang Covid-19 pandemic, pahayag ng Malacañang noong Oktubre 26, matapos itong punain ng isang grupo ng mga guro.

“Uulitin ko iyong mga nasabi ko na tungkol din sa white sand dolomite sa Manila Bay: Lahat po ng napro-procure sa taong ito e matagal na pong nasa drawing board,” giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Dagdag pa ni Roque, “Itong pagbili po ng transportasyon ng DepEd, 2016 pa iyan na-identify na pangangailangan ng DepEd, at ngayon lang po nabili nga. Iyan po ay included sa 2019 budget. Hindi po iyan dinisisyunan sa panahon ng pandemya. Bago pa dumating ang pandemya, naaprubahan na po ang budget na iyan.”

Sinabi ng Mitsubishi Motors Philippines Corp. (MMPC) na nag-deliver ito ng 166 units ng Strada 4×4 GLS MT trucks sa DepEd, na gagamitin ng mga engineers nito para sa field inspections.

Ito ay dagdag pa sa 88 trucks na dineliver sa DepEd noong Disyembre 5, 2019, para sa kabuuang bilang na 254 na mga sasakyan, pahayag ng MMPC.

Samantala, iginiit naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na ang nasabing pagbili ay “isensitibong” paggamit ng pondo sa panahon kung kailan pinapasan ng mga guro ang gastusin sa pag-iimplementa ng distance learning.

Ang mga nabiling sasakyan ay gagamitin aniya ng mga engineers na nagdidisenyo ng mga silid-aralan, mga opisyal na nag-iinspeksyon sa mga school buildings pagkatapos ng kalamidad, at mga inatasang mag-distribute ng learning modules, atbp., dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING