Duterte: “Wala akong sindikato”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko noong Oktubre 26 na ihinto na ang pag-iimbento ng “kasalanang” hindi naman niya aniya ginawa habang iginiit na wala itong “sindikatong” sangkot sa kurapsyon.

Sinabi ng pangulo na magre-resign ito kung makahahanap aniya ang kanyang mga kritiko ng “isang taong makapagsasabi na tumanggap ito kahit piso.”

“Wala kayong makuha sa akin, wala akong papel na pinirmahan na transaksyon sa gobyerno,” giit ni Duterte.

Dagdag pa nito, “Do not invent a sin against me because I painstakingly avoided being a corrupt [official]… Wala akong sindikato.”

Sa parehong talumpati, inutusan ni Duterte ang Department of Justice na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa pamahalaan para masugpo ang kurapsyon.

LATEST

LATEST