Duterte, nilinaw sa mga kurap na opisyal na papanagutin pa rin sila kahit mag-resign

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 27 sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na hindi pa rin sila maliligtas mula sa pananagutan dahil lamang sa resignasyon.

Kamaikailan ay nagbitiw ang dating pangulo ng PhilHealth na si Ricardo Morales, matapos akusahan ng mga whistleblowers ang ilang opisyal ng PhilHealth ng pagnanakaw ng aabot sa P15 bilyong pondo ng ahensya. Aabot sa 43 PhilHealth senior officers ang nag-retire o di kaya ay nagbitiw ngayong buwan.

“Let me remind everybody in this government na your resignation will not save your neck. Alam mo bakit? You are not allowed to resign if there is a pending case against you,” paliwanag ng pangulo.

Dagdag pa nito, “Mag-resign ka man, ‘di ka mag-report, you will be summoned, subpoenaed not because you are already out of government, but because for all intents and purposes you are still a part of government. You are not allowed to resign to escape liability.”

Ayon kay Duterte, ipopokus niya ang kanyang atensyon sa pagsugpo sa kurapsyon bago bumaba sa puwesto sa 2022.

Aniya, “I will concentrate the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon, hindi humihina. Lumalakas pa lalo. Para na tuloy naging inutil ang mga opisyal ng bayan, na wala talagang magawa with the onslaught of corruption.”

“Hindi po ako naniniwala na wala akong magagawa. May magagawa ako,” dagdag pa nito.

Ipinag-utos din ng pangulo sa justice department na paimbestigahan ang buong pamahalaan para sa katiwalian.

LATEST

LATEST

TRENDING