
Kinongratulate ng Malacañang noong Oktubre 26 ang Ilonggang physical therapist na si Rabiya Mateo dahil sa pagkapanalo nito bilang Miss Universe Philippines 2020 nitong weekend.
“Nag-align ang mga bituwin para siya ang iproklamang pinakatatanging Pilipina sa buong universe. Congratulations to Ms. Mateo and may her reign be fruitful and productive,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nagsilbing judge si Roque sa nasabing pageant.
Si Mateo aniya ang “runaway winner” sa swimsuit at question and answer portions ng patimpalak, dagdag pa ni Roque.
Aniya,”Talagang napakahirap mag-judge. Pero standout talaga si Ms. Iloilo doon sa swimsuit at saka doon sa Q and A niya.”