Kamara, isusumite ang 2021 badyet sa Senado nang mas maaga sa deadline

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Isusumite ng Kamara ang bersyon nito ng P4.506-trilyong 2021 General Appropriations Bill (GAB) sa Senado sa Martes, Oktubre 27, o mas maaga nang isang araw, ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco .

Nauna umanong nagkasundo sina Velasco at Senate President Vicente Sotto III na gawing deadline ang Oktubre 28.

“This record-high budget was designed to further strengthen government response and stimulate economic recovery in the wake of the coronavirus pandemic,” pahayag ni Velasco.

Dagdag pa ng House Speaker, “We increased the allocation for the purchase of COVID-19 vaccines by more than three-fold to cover more Filipinos. We also provided extra allocation for the facilities enhancement program of the Department of Health to help improve the country’s health care system.”

Ipinasa ng mga representante ang panukalang badyet sa huling pagbasa noong Oktubre 17, matapos itong sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte, ilang araw lamang bago maluklok bilang bagong House Speaker si Velasco.

LATEST

LATEST

TRENDING