Gordon, nadismaya sa PhilHealth dahil sa hindi pagbabayad ng utang sa Red Cross

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Philippine Red Cross Facebook page

Sinabi ni Philippine Red Cross (PRC) chair Sen. Richard Gordon noong Oktubre 26 na ihihinto ng organisasyon ang “construction of new provincial molecular laboratories” sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa matapos hindi bayaran ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) ang utang nito sa PRC.

Ayon kay Gordon, pansamantalang magtitigil-operasyon muna ang paggawa ng Covid-19 testing at processing laboratories sa Quezon, Albay, Pangasinan, Laguna at sa Bangsamoro region.

“No payment as yet in spite of their numerous announcements that they will pay,” ani Gordon.

Giit nito, “How can we test if we do not recover our costs?”

Kailangan din umano ng PRC ng $6-8 milyon (P300-400 milyon) para bayaran ang Covid-19 test kits at equipment na galing China.

Aniya, “At the moment we are almost out of test kits . To replenish we need to be paid.”

“Because of PhilHealth’s promises to pay, we had chartered a flight to China for tomorrow,” dagdag pa nito.

“We will have to cancel the flight tomorrow if no payment is made,” diin ng PRC chair.

Unang nangako naman ang PhilHealth na babayarn nito ang P1-bilyong utang noong nakaraang linggo, subalit naantala ito dahil humingi muna ito ng opinyon mula sa Department of Justice.

“Philhealth has been perfidious, reckless & they have been in violation of the contract so many times,” wika ni Gordon.

“Philhealth should be ashamed of themselves for betraying our vulnerable people,” diin ni Gordon.

Ang PRC ay nakapagsagawa ng tinatayang 1 milyong Covid-19 tests o halos one-fourth ng kabuuang 3.8 milyong tests sa bansa. Hindi na tumatanggap ng specimens para sa PhilHealth funded-tests ang PRC hangga’t hindi nababayaran ng  PhilHealth ang P930 milyong utang nito.

LATEST

LATEST

TRENDING