Eksperto, nais munang tiyaking ligtas ang Covid-19 vaccine galing China bago ito ibigay kay PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Three vaccines developed by Chinese companies and researchers are in their second or third phase of trials. Photo: Reuters
Larawan mula sa: Reuters

Nais munang tingnan ng isang vaccinologist ang mga pag-aaral upang matiyak na ligtas ang Covid-19 vaccine na manggagaling sa China, bago ito ibigay sa publiko, sapagkat hindi umano gumamit ng bakuna ang Pilipinas mula China nang ilang taon na.

“Wala pa akong masyadong nakitang bakuna na ginamit natin dito sa Pilipinas in the last…so many years na galing sa China,” ani Dr. Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination.

Dagdag pa nito, “Gusto ko talagang makita na maganda ang kanilang studies bago nating sabihing safe na yan para ibigay kay Presidente.”

Binigyang diin din ng medical expert na walang bakunang maaaring gamitin ng publiko, kahit pa ito’y rehistrado abroad, kung wala itong pahintulot mula sa Food and Drug Administration.

Naging talamak din umano ang ‘vaccine hesitancy’ ng mga Pilipino.

Nangyari aniya ito sa nakalipas na dalawang taon, kung saan nauwi ito sa mababang turnout sa immunization program ng bansa at pagtaaas ng mga kaso ng measles noong 2019.

Aniya, “Nagsimula ito sa dengvaxia.”

“The dengue vaccine became embroiled in controversy after deaths have been linked to its administering,” dagdag pa ng doktora.

Giit nito, “Yun ang nakakasama ng loob. Kasi marami ngayon na nagkakaroon ng hesitancy even sumali sa trial kasi ang akala nila ay baka di sila pangangalagaan.”

Inirekomenda naman ito ang pagtatatag ng isang national immunization technical advisory group (NITAG), na magpapasya sa regulatory approval tungkol sa paggamit ng Covid-19 vaccines.

Ang pangkat na ito ay magiging multi-disciplinary aniya, na kabibilangan ng mga  dalubhasa mula sa iba’t-ibang fields tulad ng epidemiology, infectious diseases, public health, microbiology, pediatrics, at pharmacy.

LATEST

LATEST