Duterte: “Duque, walang nanakaw kung pera ang pag-usapan”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Health Secretary Francisco Duque III

Ipinagtanggol muli ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 26 si Health Secretary Francisco Duque III mula sa mga alegasyon ng kurapsyon na kinakaharap ng kalihim.

Si Duque ay nagsisilbing chair ng PhilHealth board, kung saan ang ilang mga opisyal nito ay inakusahan sa isang Senate hearing ng pagnanakaw ng aabot sa P15 bilyong pondo ng ahensya. Ayon sa isang whistleblower, si Duque umano ang “godfather” ng PhilHealth mafia.

“Si Duque, walang nanakaw kung pera ang pag-usapan. Maybe some other things, there might be some other thing pero corruption, pera? Wala,” giit ni Duterte sa isang taped speech noong Oktubre 27.

Ilang beses nang tinanggihan ng pangulo ang panawagan para sa pagbibitiw ni Duque sa puwesto.

Aniya, “For what? Secretary Duque was not a part of PhilHealth. As a matter of fact, he was not even reporting.” 

Isa rin si Duque sa mga opisyal na inirekomendang kasuhan ng Senado kaugnay sa mga alegasyon ng iregularidad sa loob ng PhilHealth.

Bagama’t paulit-ulit na dinipensahan ni Duterte si Duque, iginiit naman ng Malacañang na nananatiling “open-minded” ang pangulo.

“As a lawyer, he (Duterte) is also open-minded to the fact na mayroon siyang binuong task force, mayroon po talagang kapangyarihang mag-imbestiga ang Senado at kung mayroon pong ebidensya, titingnan ni Presidente ang ebidensya,” wika naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Dagdag pa nito, “By way of precedent with the Morales incident, hindi niya ina-absolve, hindi niya dini-discourage ang mga pag-iimbestiga.”

Unang naging kumpiyansa ang pangulo sa kay PhilHealth president at CEO Ricardo Morales, subalit kinalaunan ay hinikayat din niya itong magbitiw dahil sa mga alegasyon ng kurapsyong ibinunyag ng Senado tungkol sa PhilHealth.

LATEST

LATEST

TRENDING