Año: Celebrities, dapat hayaang magpahayag nang malaya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: ABS-CBN News

Dapat hayaan ang mga celebrities na nagsusulong ng kanya-kanyang adbokasiya na magpahayag ng pananaw nang walang pagpipigil, giit ni Interior Secretary Eduardo Año noong Oktubre 26 kasabay nang pag-alingawngaw sa isyu ng red-tagging.

Sina Angel Locsin, Catriona Gray at Liza Soberano, na nagpahayag ng kani-kanilang mga pananaw sa iba’t-ibang isyung panlipunan tulad ng Covid-19 response, ay hindi dapat i-red tag, ani Año.

Aniya, “These personalities, they want change. They’re fighting issues for women, for certain sector but it doesn’t mean they are already terrorists. Hayaan natin silang makapag-express nang malaya.”

“We shall make sure these personalities are respected,” dagdag pa ng kalihim.

Ito ay matapos magbabala ang isang opisyal ng militar mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kay Soberano na posibleng manganib ang buhay nito kung ipagpapatuloy ng aktres ang pakikiisa sa grupong Gabriela, kung saan sangkot umano ito sa komunismo.

“Liza Soberano, there’s still a chance to abdicate that group. If you don’t, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira,” pahayag ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Si Lapira, na isang estudyante ng University of the Philippines-Manila, ay nasawi sa isang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at New People’s Army (NPA) sa Nasugbu, Batangas noong 2017.

Pareho rin ang naging babala ni Parlade kay Gray, habang pinaratangan naman nito ang kapatid ni Locsin na kabilang umano sa underground movement.

Subalit, nilinaw ni Año na nagpapaalala lamang si Parlade dahil ginagamit aniya ang ilang mga organisasyon upang mag-recruit ng mga miyembro sa communist movement.

“Ginagamit ‘yung organizations para makapag-recruit at maging armadong miyembro. Hindi natin ilalahat,” ani Año.

Dagdag pa ng kalihim, “’Yung mga activism, okay ‘yan. Walang problema tayo diyan. We need that for the change and improvement of government services.”

LATEST

LATEST

TRENDING