Recto, hinikayat ang Malacañang na magtalaga ng vaccine czar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Ralph Recto looking at the camera
Senate President Pro Tempore Ralph Recto

Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Malacañang na mag-appoint ng “vaccine czar” para mapaigting ang Covid-19 response ng pamahalaan.

Ayon kay Recto noong Oktubre 24, ang vaccine czar ay kailangan upang epektibong matugunan ang distribusyon ng mga bakuna sa 110 milyong Pilipino.

Sinabi rin ni Recto na bagama’t 170 vaccine candidates ang nasa iba’t-ibang stages ng development mula sa iba’t-ibang bansa, dalawang bilyong doses lamang umano ang kayang i-roll out sa dulo ng 2021, batay sa datos ng World Health Organization (WHO).

Aniya, “Ilan ang matitira para sa mga Pilipino? Countries who have sunk billions into their development have firm orders so they are first in line. Pang-ilan tayo sa mahabang linya?”

“Against this obstacle, we need a Filipino with global stature, excellent connections and diplomatic skills” to successfully place the orders and outsmart the competition,” dagdag pa nito.

Binanggit din ng senador ang isyu tungkol sa rationing, infrastructure para sa production, post-inoculation monitoring at iba pang posibleng maging suliranin ng vaccine distribution sa bansa.

Kailangan din aniyang umpisahan ng isang vaccine czar ang pagtatatag ng isang “supply-to-syringe cold chain” sapagkat kinakailangang ilagay sa malamig na pasilidad ang mga bakuna.

“Like any frozen delight, the vaccine needs to be refrigerated. Filling the cold chain gap ranks high in the vaccine czar’s many duties,” wika ni Recto.

LATEST

LATEST

TRENDING