Duterte, mag-aanunsyo ng panibagong quarantine classifications

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Mag-aanunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga panibagong quarantine classifications para sa buwan ng Nobyembre sa Lunes ng gabi, Oktubre 26.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makikipagpulong ang pangulo sa mga miyembro ng kanyang Gabinete sa pamamagitan ng video conferencing upang talakayin ang mga rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) hinggil sa mga ipatutupad na quarantine protocols sa susunod na buwan.

Kinumpirma rin ni Roque na magtatalumpati ang pangulo sa taumbayan mula sa Davao City.

Hindi naman nakapunta ng Davao ang mga miyembro ng IATF dahil sa pananalasa ng Bagyong Quinta.

Ang malaking bahagi ng bansa ay nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ) – ang pinakamababa sa lahat ng klasipikasyon. Kasalukuyan namang nasa GCQ ang Metro Manila, Batangas, Tacloban City, Bacolod City, Iligan City, at Iloilo City hanggang sa dulo ng Oktubre.

LATEST

LATEST

TRENDING