Parlade, sinabihan aniya ni Lorenza na ‘ipagpatuloy’ ang kampanya laban sa mga komunista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Lt. General Antonio Parlade
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Tinanggihan ng isang military official noong Oktubre 25 na sinabihan siya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na huminto sa paglalabas ng pahayag tungkol sa mga umano’y komunista sa bansa at sinabing ipagpapatuloy niya ito.

Unang sinabi ni Lorenzana na makikipagpulong ito kay Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), upang talakayin ang isyu ng red-tagging.

“Linawin ko. Ito ang sinabi ni Sec. Lorenzana – ‘twisted na naman’ ang kaniyang mga statement… Sabi niya, continue what you’re doing as long as we have evidence. ‘Push on,’ ‘press on’ that’s his term,” ani Parlade.

Dagdagpa nito, “Hindi ko ‘to opinion… This is the NTF-ELCAC position on these issues. Nagkataon lang, ako yung nagsasalita sa ngayon. I’m just one of the spokespersons… This is beyond me. Ang ating chairman dito ay si Presidente. Titigil ba ko sa ginagawa ko? Of course not.”

Noong Oktubre 23, sinabi ni Lorenzana na: “Although ELCAC is a very good idea, pero kung minsan, e hindi mo naman puwedeng, lahat na, ‘yong shotgun kang ganun na everybody. So be selective and dapat may ebidensya tayo.”

“Huwag mong sabihin na leftist ‘yan, o NPA ‘yan. Dapat may ebidensya tayo kung ano ‘yun. Otherwise, just keep quiet,” giit ng kalihim.

Samantala, pinaalalahanan naman ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamahalaan noong Mayo na napawalang-bisa na ang Anti-Subversion Law noong 1992, kung saan nangangahulugan itong hindi na iligal ang maging miyembro ng  Communist Party of the Philippines.

“The challenge before those who accuse is to prove allegations of any illegal act before fair and competent courts,” wika ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia.

Ayon naman kay Parlade, pagdepensa at hindi pag-red tag ang kanyang ginawa sa aktres na si Liza Soberano nang magbabalala ito na baka gamitin lamang ito ng mga komunista. Nagbigay din ang opisyal ng kaparehong babala kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Aniya, “Kaya nga nagpapasalamat ang kampo ni Liza Soberano through Atty. Lim. Meron bang taong nagpapasalamat sayo dahil thinreaten or hinarass mo siya?”

“Sino bang ni-redtag ko? Wala. Dinepensahan ko si Liza Sobreno dahil bina-bash siya unfairly na ‘di naman naiintindihan ng bashers niya, netizens na ang Gabriela ay legitimate organisasyon subalit ginagamit itong komunistang makibaka dahil sa agenda nila,” dagdag pa ni Parlade.

Unang kinundena naman ng kampo ni Soberano ang pangre-red tag sa aktres ay sinabing “apolitical” ito.

Noong Oktubre 24, binigyang diin naman ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana na dapat masunod ang prosesong ligal bago paratangang mga rebeldeng komunista ang sinuman.

“Now that we have this anti-terror law, kaunting pahanon na lang, ‘pag lumabas itong proscription nitong mga organisasyong ito – sinasabi ng mga tao, bakit di kasuhan? – kasunod ‘yan,” pahayag naman ni Parlade kasabay pagbanggit na nasa surveillance na aniya ang human rights lawyer na si Neri Colmenares.

Si Colmenares ang dating Bayan Muna partylist representative sa Kamara.

“Of course, we have to make sure that we follow the process of designating these organizations as terrorist organizations… But yung proscription niyan, ‘yung judiciary ang magde-declare sa kanila as a terrorist organization. So we will just have to wait for that. But right now, pwede na tayong mag-file ng kaso. But we want to make sure that our actions are really solid. So, that’s what we’re doing now. We’re consolidating pieces of evidence against these people,” dagdag pa ni Parlade.

LATEST

LATEST

TRENDING