Mga motorista, dumagsa sa pagkuha ng RFID sticker; Cashless payment sa toll booths, ipatutupad sa Nob. 2

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: ABS-CBN News

Dumagsa noong Oktubre 25 ang mga nagnanais kumuha ng RFID sticker sa mga toll plaza bago ang itinakdang pagpapatupad ng patakarang cashless transaction sa Nobyembre 2.

Maaga pa lamang ay mahaba na ang naging pila para sa RFID sticker sa Manila-Cavite Expressway (Cavitex).

Noong bandang 7 A.M., umabot sa mahigit 500 metro ang pila sa installation booth sa northbound lane.

Sa inilabas na advisory, contactless transaction na ang ipatutupad sa mga toll gate alinsunod sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic ang bansa. Nangangahulugan itong hindi maaaring makapagbayad ng cash sa mga expressway booths.

Subalit, maaari pa namang makadaan sa mga expressway kahit wala pang RFID sticker.

Halimbawa, sa Cavitex, may mga itinalagang installation lane kung saan dapat magpakabit muna ang motorista ng RFID sticker. Walang bayad ang sticker pero kailangang bumili ng P200 initial load.

Nasa 7 hanggang 10 minuto ang proseso ng pagpapakabit ng sticker. Mayroon ding activation team din na ipinatutupad ang Metro Pacific Tollways Corp. kung saan maaaring puwedeng pumunta sa mga barangay para magpakabit ng sticker. Ito ay puwedeng i-request sa kanilang Facebook page.

Samantala, pinalawig naman ng San Miguel Corp. ang paglalabas ng RFID stickers hanggang Nobyembre 30.

Pagkatapos ng nasabing petsa, hindi na puwedeng dumaan ng Skyway, South Luzon Expressway, NAIA Expressway, Star Tollways, at Tarlac-Pangasinan -La Union Expressway ang mga walang RFID.

LATEST

LATEST

TRENDING