Año: Metro Manila mayors, gustong panatilihin ang NCR sa GCQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: MMDA Facebook page

Nais ng mga alkalde ng Metro Manila na i-extend ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) habang nagpapatuloy ang banta ng Covid-19, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año noong Oktubre 26.

Ayon sa kalihim, pinag-iisipan din umano ng mga alkalde ang pagpapagaan sa business at travel upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya.

Noong nakaraang linggo, muling pinahinutlutan ng Malacañang ang balik-operasyon ng motorcycle taxis alinsunod sa hakbang ng pamahalaan na taasan ang kapasidad ng mass transport system.

“Kaya lang napapansin natin ang ating mga kababayan talagang nag-iingat na. Despite na maraming bumibiyaheng sasakyan, hindi pa rin talaga lumalabas ng husto ‘yung mga kababayan natin,” ani Año.

Dagdag pa nito, “Siyempre andiyan pa rin ‘yung pangamba na hindi pa naman talaga natin na-flattened ‘yung curve eh anytime puwede ka pa rin mahawa.”

Subalit, hindi naman sinabi ni Año kung ipatutupad ang striktong lockdown sa susunod na buwan o hanggang dulo ng taon.

Nakatakdang magpulong sa Lunes, Oktubre 26, ang Inter-agency task force (IATF) upang magrekomenda ng panibagong quarantine classifications kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Metro Manila, Bacolod, Tacloban, Iloilo City, Batangas at Iligan ay kasalukuyang nasa ilalim ng GCQ hanggang Oktubre 31, habang ang nalalabing bahagi ng bansa naman ay nasa modified GCQ (MGCQ).

LATEST

LATEST

TRENDING