Robredo, naka-quarantine matapos ma-expose sa isang Covid-19 patient

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Ibinunyag ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na kasalukuyan itong sumasailalim sa quarantine matapos ma-expose sa isang Covid-19 patient nong nakaraang linggo.

Inanunsyo ito ni Robredo sa kanyang programa sa radyo na “Biserbisyong Leni” noong Oktubre 25, at sinabing sumasailalim din sa isolation ang ilan sa kanyang staff.

Aniya, “Na-expose ako noong Huwebes. Na-expose ako sa isang nag-positive so sumunod kami sa protocols.”

Ang kanyang mga pagpupulong at iba pang mga aktibidad ay pansamantalang gaganapin online.

“Hopefully ma-swab na kami, kasi kapag na-clear na kami tuloy na ulit (mga aktibidad)… Pero tuloy tuloy pa rin ‘yung trabaho,” dagdag pa ni Robredo.

Noong Hulyo, pansamantalang nagtigil-operasyon ang tanggapan ni Robredo matapos magpositibo sa Covid-19 ang ilan nitong staff.

LATEST

LATEST

TRENDING