Palasyo, pinaalalahanan ang mga kritiko na bawal ang pagra-rally ngayong Covid-19 pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Pinaalalahanan ng Malacañang noong Oktubre 22 ang mga kritiko nito na ihinto ang pagpapahayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng kilos-protesta, dahil nananatili umano itong bawal upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.

Ang mga ginanap na rally kamakailan ay patama sa pamahalaan tungkol sa anti-terror law na pinanganambahang mag-aabuso sa karapatang pantao, at patungkol din sa pagkakakulong sa aktibistang si Reina Mae Nacino, na namatayan ng tatlong buwang gulang na sanggol.

“Ang karapatan ng malayang pananalita ay garantyado po ng ating Saligang Batas. Gayunman… panahon po ng COVID-19 at kahit kayo po ay lumalaban at kalaban ng gobyerno, pinangangalagaan po natin ang iyong kalusugan,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Dagdag pa nito, “Pakiusap po, sundin natin: hanggang 10 tao lang po ang pagtitipon-tipon dahil ayaw po namin kayong magkasakit. Maski kayo po ay walang ginawa kundi labanan ang gobyerno, Pilipino pa rin po kayo at may obligasyon pa rin po kaming isalba kayo kung kayo’y magkakasakit.”

Mahigpit at naging armado ang mga jail officers na nagbantay kay Nasino habang idinaraos ang libing ng kanyang nasawing anak noong nakaraang linggo. Tumanggi ang mga awtoridad na alisin ang posas nito bagama’t umapela ang kanyang pamilya at ilang human rights supporters, na ikinadismaya ang naging pagtrato kay Nasino.

Si Nasino, na miyembro ng grupong Kadamay, ay inaresto noong Nobyembre 2019 kasama ang dalawang iba pa dahil sa unlawful possession of firearms, kung saan iginiit nitong gawa-gawa lamang aniya ito alinsunod sa hakbang ng mga awtoridad na sugpuin ang mga makakaliwang aktibista.

Noong Abril, nagpetisyon ito kay Korte Suprema para makalaya sa kulungan sa kadahilanang humanitarian grounds habang nasa gitna ng pandemiya.

Nanganak si Nacino noong Hulyo sa kulungan, subalit ang kanyang baby na si River, ay inalis mula sa kaya at dinala sa kanyang nanay (lola) noong Agosto. Pagkalipas ng isang buwan, nagkasakit at sanggol at tuluyan na itong namayapa.

Hindi na muling nasilayan nang buhay ni Nacino ang kanyang anak na si baby River.

Naging magulo naman ang ginanap na libing habang dinisperse ng mga jail officers ang prusisyon at inutusan ang sasakyang nagdadala sa bangkay na bilisan ang takbo. Dahil dito, naghabol ang mga nagsipaglibing sa sasakyan.

Ikinagalit naman ito ng pamilya at mga tagasuporta ni Nacino.

LATEST

LATEST