Lorenza, nagpatawag ng meeting sa NTF-ELCAC kaugnay ng red-tagging kay Liza Soberano

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Defense Secretary Delfin Lorenzana

Nagpatawag si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng meeting kasama ang mga military at security officials bunsod ng isyung kinakaharap ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict or NTF-ELCAC dahil sa umano’y pag-red tag sa aktres na si Liza Soberano at iba ang celebrities.

Ipinahayag ng kalihim noong Oktubre 23 na nais niyang talakayin ng NTF-ELCAC ang susunod na mga hakbang matapos itong mamayagpag sa balita ngayong linggo dahil sa pahayag ng tagapagsalita nitong si Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr.

“I am convening a meeting with these people, si Gen. Parlade, Gen. Esperon, at saka ‘yung members ng ELCAC,” ani Lorenzana.

Dagdag pa, “Because of this brouhaha na lumalaki, I think we should talk mostly kung ano ba talagang magandang gawin.”

Tila hindi sumang-ayon si Lorenzana sa naging pahayag ni Parlade habang pinaalalahanan ng kalihim ang publiko na huwag i-red-tag si Sobreano matapos itong maging bahagi sa webinar na inorganisa ng Gabriela Women’s Party,  isang grupo na may “dual tactics” aniya na mag-recruit ng mga miyembro sa New People’s Army, ayon naman kay Parlade.

Nagbabala si Parlade kay Soberano pati na rin kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na ihinto na ang pakikiisa sa Gabriela dahil baka i-recruit lamang mga ito para maging NPA.

“Although the ELCAC is a very good idea, kung minsan hindi mo naman pwedeng… shotgun ka na. You should be selective,” paliwanag naman ni Lorenzana tungkol kay Parlade.

Dagdag pa ng kalihim, “‘Wag mong sabihin na leftist ‘yan, NPA ‘yan, dapat may ebidensya tayo. Otherwise, just keep quiet.”

Ang NTF-ELCAC ay inaakusahan ng red-tagging sa mga kritiko ng administrasyong Duterte.

Binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-communist task force noong 2018, kung saan mayroon itong  “whole-of-nation” approach sa pagsugpo sa mga armadong rebelde.

Ayon naman kay AFP Chief Gilbert Gapay, walang mali sa pakikiisa ni Soberano sa Gabriela para talakayin ang mga usapin tungkol sa karapatan ng kababaihan.

Aniya, “Okay lang naman ‘yun if you voice out your sentiments for the greater good of society, but once you bear arms and you join the armed component of the CPP-NPA and fight the government, iba na ‘yun.”  

“We really prohibit the use of violence in advancing changes in our society,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST