Villar, kinilala ang posibleng pagkakaroon ng independent investigation sa DPWH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DPWH chief tests positive for COVID-19
DPWH Secretary Mark Villar
Kuha ni: Boy Santos (Philstar)

Kinilala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang anumang independent investigation tungkol sa talamak na katiwalian sa ahensya, giit ni DPWH Secretary Mark Villar noong Oktubre 22.

Aniya,  “Yes of course. We welcome anything that will increase transparency, any help that anyone’s willing to give is more than welcome.”

Unang bumuo si Villar ng isang internal task force para tingnan ang mga iregularidad sa loob ng DPWH. Subalit, umani naman ito ng mga agam-agam tungkol sa pagiging epektibo nito kaya’t nagsulong ang ilang mga opisyal para sa pagkakaroon ng hiwalay na pangkat na mag-iimbestiga sa isyu.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng bumuo ng ganitong uri ng task force si Pangulong Rodrigo Duterte para paimbestigahan ang DPWH, tulad nga ginawa nito sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Gayunpaman, kampante si Villar na ang internal monitoring system ng ahensya ay makatutulong sa pagsugpo sa katiwalian ng kanyang ahensya.

“Of course, internally, we wanna do everything that we possibly can to make sure that our efforts to stop corruption are further strengthened,” giit ni Villar.

Dagdag pa nito, “We wanted to take it a step further… I think it’s important that we do some institutional changes and this creation of a task force is something that we want to institutionalize within the department.”

Ayon sa kalihim, ang DPWH task force ay kumakalap na ng mga reports, at posible itong makapaglabas ng findings sa susunod na buwan.

Kabilang sa mga isyung kinakaharap ng DPWH sa mga nagdaang linggo ay ang findings ng Commission on Audit tungkol sa overpricing at delayed implementation ng ilan nitong infrastructure projects noong 2019, pati na rin ang multi-billion lump sum na nakapaloob naman sa proposed 2021 budget ng departamento.

LATEST

LATEST

TRENDING