Palasyo, hinimok ang Kongreso na ipasa na ang badyet para mapirmahan na ni PRRD sa Disyembre

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Hinikayat ng Malacañang ang Kongreso na bilisan ang pagpapasa sa 2021 General Appropriations Bill na naglalaman ng pondo para sa Covid-19 response, upang malagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang linggo ng Disyembre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Oktubre 22, dapat ipasa ng Kongreso at i-turn over ang budget bill sa Malacañang bago ang nasabing panahon upang magkaroon ng sapat na oraas ang pangulo na i-review ito.

Aniya, “Alam niyo po, hindi rin ganoon kabilis ang pagreview ng budget…The process of reviewing it entails a line-by-line analysis. It has to be earlier than the second week of December to give the Executive some time to review the budget and to see if it will make specific line item vetos.”

May kapangyarihan ang pangulo na i-veto ang ilang probisyon sa badyet na maaaring ituring na unconstitutional, kabilang ang mga last-minute insertions na nagmumula kadalasan sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Sa nakalipas na dalawang taon, kinailangang gumamit ng bansa ng reenacted budget dahil sa kwestyunableng alokasyon ng mga mambabatas na nauwi sa pagkaantala sa pagsasabatas ng panukalang badyet.

Sa pag-uumpisa ng buwan, tiniyak naman ng Palasyo na walang mangyayaring delay sa pagpapasa ng 2021 GAB, bagama’t naipit ito sa gitna ng sigalot sa House Speakeership.

Inakusihan naman ni Senator Panfilo Lacson ang maliit na komite mula sa Kamara na naglagay ng ₱20 bilyong institutional amendments kahit naaprubahan na sa huli at ikatlong pagbasa ang badyet noong nakaraang linggo.

Inaasahang isusumite ng Kamara ang bersyon nito ng GAB sa Senado sa Oktubre 28. Samantala, nagpapatuloy naman ang committee deliberations sa Senado tungkol sa badyet.

LATEST

LATEST

TRENDING