Malacanang nagbabala kay Liza Soberano at Catriona Gray tungkol sa pakikipag-ugnayan sa Kaliwa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Palace to Liza Soberano, Catriona Gray: Beware of Left taking advantage of  women's rights push | ABS-CBN News
Larawan mula sa: ABS-CBN News

Hinikayat ng Malacañang noong Oktubre 22 ang aktres na si Liza Soberano at dating Miss Universe na si Catriona Gray na mag-ingat sa mga makakakaliwang grupo na nagsusulong sa karapatan ng kababaihan.

Nagkomento tungkol sa isyu si Presidential Spokesman Harry Roque matapos magbabala ang isang opisyal ng militar sa dalawang celebrities laban sa pagkakaroon ng ugnayan sa New People’s Army.

“Pinag-iingatan lang nila na baka mamaya magamit sila ng Left. Pero naintindihan naman po ng Hukbong Sandatahan na sila’y nag-a-advocate ng karapatan ng kababaihan,” ani Roque.

Dagdag pa nito, “Pero siyempre, ingat din po, kasi… ang mga Maoist sa Pilipinas, kung may puwedeng pagsamantalahan, e pagsasamantalahan nila.”

Si Soberano ay inakusahang kabahagi ng NPA matapos itong lumahok sa isang webinar na inorganisa ng Gabriela Youth, kung saan naiiyak itong naghihikayat sa kapwa niya influencers na magsalita tungkol sa mga usaping nakaaapekto sa kababaihan at kabataan.

Sa isang pahayag sa Facebook page ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) noong Oktubre 21, sinabi ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na “hindi NPA” si Soberano dahil nagsusulong lamang ito sa mga karapatan ng kababaihan.

Subalit, pinagsabihan nito si Soberano na wakasan na ang pakikipag-ugnayan sa Gabriela Youth.

“Liza Soberano, there’ s still a chance to abdicate that group. If you don’t, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira @ELLA, former Deputy Secretary General of Gabriela Youth of UP, Manila and defender of women’s rights, even against sexual predators amongst her comrades in the NPA unit she joined which is clearly stated in her handwritten letter addressed to a certain @EMIL,” ani Parlade.

Nagbitiw din ito ng parehong babala kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this,” giit ni Parlade.

Hindi iligal ang pagiging miyembro ng mga organisasyong komunista sa bansa matapos ipawalang-bisa ang Anti-Subversion Act noong termino ni dating Pangulong Fidel Ramos.

“The challenge before those who accuse is to prove allegations of any illegal act before fair and competent courts,” diin naman noong Mayo ni Commission on Human Rights spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia.

Kinundena naman ng kampo ni Soberano ang red-tagging sa aktres. Ayon sa abogado nito, “nagpapahayag lamang ng pagmamahal at respeto para sa kababaihan at kabataan” si Soberano dahil adbokasiya niya ito.

LATEST

LATEST

TRENDING