DepEd, hinikayat ang mga magulang na ipa-enrol ang mga anak bago ang Nob. 21

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: CNN Philippines

Maaari pang mag-enrol ang mga kabataan hanggang Nobyembre 21 para sa school year, pahayag ng mga opisyal ng Department of Education (DepEd) noong Oktubre 22.

Ayon kay Undersecretary Jesus Mateo, mas makabubuti kung mag-e-enrol bago ang itinakdang deadline para makahabol sa mga aralin ang mga estudyante at upang makapaghanda rin ang mga paaralan na tumanggap ng mas maraming mga mag-aaral.

Aniya, “Huwag na sanang hintayin yung deadline na Nov. 21 kasi mahihirapan yung bata na makahabol at pangalawa, mahihirapan rin naman ang mga paaralan kasi nakapag-handa lang tayo doon sa mga nakapag-enroll previously.”

Posible umanong huminto ang ibang mga mag-aaral sa eskwela dahil sa delay.

Ayon sa opisyal, may halos 25 milyong estudyante sa buong bansa, mas mababa sa 27.7 milyong bilang noong 2019. Maraming magulang umano ang nangamba para sa kanilang mga anak kaya’t hindi nila pinahintulutang mag-enrol.

Iginiit ni Mateo na may mga alternative modes upang tiyakin ang pagpapatuloy ng edukasyon nang hindi nailalagay sa alanganin ang kalusugan.

Kabilang sa kalakaran ng edukasyon sa new normal ay ang paggamit ng printed at digital modules, online platforms, TV at radio, dagdag pa ni Mateo.

Samantala, binanggit din ni Mateo ang Alternative Learning System para naman sa mga walang access sa pormal na edukasyon.

Maaari pang mag-enrol ang mga kabataan hanggang Nobyembre 21 para sa school year, pahayag ng mga opisyal ng Department of Education (DepEd) noong Oktubre 22.

Ayon kay Undersecretary Jesus Mateo, mas makabubuti kung mag-e-enrol bago ang itinakdang deadline para makabahol sa mga aralin ang mga estudyante at upang makapaghanda ang mga paaralan na tumanggap ng mas maraming mga mag-aaral.

Aniya, “Huwag na sanang hintayin yung deadline na Nov. 21 kasi mahihirapan yung bata na makahabol at pangalawa, mahihirapan rin naman ang mga paaralan kasi nakapag-handa lang tayo doon sa mga nakapag-enroll previously.”

Posible umanong huminto ang ibang mga mag-aaral sa eskwela dahil sa delay.

Ayon sa opisyal, may halos 25 milyong estudyante sa buong bansa, mas mababa sa 27.7 milyong bilang noong 2019. Maraming magulang umano ang nangamba para sa kanilang mga anak kaya’t hindi nila pinahintulutang mag-enrol.

Iginiit ni Mateo na may mga alternative modes ma tiyakin ang pagpapatuloy ng edukasyon nang hindi nailalagay sa alanganin ang kalusugan.

LATEST

LATEST

TRENDING