DBM: Housing badyet at intel funds, ‘di dapat paghambingin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DBM Secretary Wendel Avisado
Kuha ni: Angie de Silva (Rappler)

Hindi maaaring paghambingin ang pondo para sa housing backlogs at pondo para sa intelligence operations, pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) noong Oktubre 22 matapos itong punain ng mga senador.

Unang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na wala siyang “nakikitang lohika” sa paglalaan ng P4 bilyon para sa housing sector, at P9.6 bilyon para sa confidential at intelligence funds sa 2021 budget, bagama’t mayroong milyun-milyong housing backlog. 

“Hindi puwedeng i-compare iyan apple to apple kasi iba naman iyong purpose ng housing, iba naman din po iyong confidential fund,” giit ni Budget Secretary Wendel Avisado.

Dagdag pa ng kalihim, “At saka, kapag ganiyan po na maseselan na klaseng isyu ay ipinapaubaya po namin iyan particular sa Office of the President kapag ganiyan pong issue.”

Iniulat ng Department of Human Settlements and Urban Development na nangangailangan ito ng P30 bilyon bawat taon, sa panahong mahigit 20 taon, upang makapagtayo ng 6.7 milyong mga kabahayan at tugunan ang housing backlog, kung saan 3 milyon nito ay nasa socialized at subsidized housing category, ayon sa tanggapan ni Drilon.

LATEST

LATEST