COMELEC: Walang bagong vote counting machines sa 2022 elections

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Comelec: VCM deal with Smartmatic aboveboard
Larawan mula sa: Philstar

Hindi magkakaroon ng mga panibagong vote counting machines (VCM) para sa gaganaping general elections sa 2022 dahil sa paghihigpit sa badyet, pahayag ng Commission on Elections (COMELEC) noong Oktubre 22.

Ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abas sa isang Senate hearing, ang mga VCMs na ginamit noong 2016 at 2019 elections ay gagamitin sa 2022.

Sinabi ni Abas na inaprubahan lamang ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱14.5-bilyong badyet para sa COMELEC sa susunod na taon, o kalahati lamang ng proposed budget nito na ₱30 bilyon.

Aniya, “From what I know, there is a budget ceiling, budget fiscal space being implemented by the Department of Budget and Management. Based on their budget space, they can no longer accommodate our request for a P30-billion budget for 2021.”

“Iyong bago siyempre, iyon yung mga may mga upgrading na gagamitin naming kapag bago iyong machines na ili-lease naming. Sa durability, mas maganda. Siyempre nga naisip naming na Presidential itong 2022, mas mainam san ana bago ang gagamitin natin,” dagdag pa ni Abas.

Ayon kay Abas, mangangailangan lamang ang COMELEC ng ₱1 bilyon para i-refurbish ang VCMs.

Nakahanda naman umanong magrenta ng karagdagang 20,000 VCMs ang COMELEC sa 2022 bilang paghahanda sa darating na halalan.

Humihiling din ang komisyon ng karagdagang badyet para sa pagbili ng mas maraming VCMs upang maabot nito ang target na pagbabawas sa bilang ng botante sa bawat presinto mula 1,000 hanggang 800 katao.

Kinilala naman ni Senate Pro Tempore Ralph Recto ang kahalagahan ng pagtataas sa badyet ng COMELEC sakaling umabot pa sa 2022 ang Covid-19 pandemic.

Aniya, “The idea is to you don’t want it to be a super spreader, assuming nandyan parin ang pandemic. Mabuti na pinaplano natin iyan.”

Ayon kay Abas, kung magkakaroon ng two-day election, kinakailangan talaga ang karagdagang badyet ₱1 bilyon na agad aniya ang gagastusin para lamang sa pasahod sa mga guro.

LATEST

LATEST

TRENDING