Pangako ni PRRD babayaran ang utang ng PhilHealth sa Red Cross, ‘sapat’ na para alisin ang agam-agam: Roque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sapat na umano ang naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte para tiyaking mababayaran ng PhilHealth ang utang nito sa Philippine Red Cross upang muling makapagsagawa na ito ng Covid-19 testing, pahayag ng Malacañang noong Oktubre 21.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang anumang agam-agam ng Red Cross ay dapat nang tapusin sapagkat nagbigay na ng pangako si Duterte na mababayaran ng PhilHealth ang ₱930 milyong utang nito sa Red Cross.

Aniya,  “I think that assurance should be enough for Red Cross to resume its testing.”

“I don’t think there’s any reason for the Red Cross to doubt that the President is committed to pay. And because of this, I believe that testing should continue because the Red Cross has been assured that they will be paid,” dagdag pa nito.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Red Cross na patuloy nitong ihihinto ang pagsasagawa ng Covid-19 testing hangga’t hindi nababayarang ng PhilHealth ang overdue balance nitong aabot sa ₱930.99 milyon.

Ang PRC ay nagsasagawa ng RT-PCR tests na karamihan ay para sa nagsisipag-uwiwang mga overseas Filipino workers, na naapektuhan dahil sa tigil-operasyon.

Sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III nong Oktubre 20 na mahigit 4,000 OFWs ang hindi pa makakauwi dahil sa delay ng kanilang Covid-19 tests.

LATEST

LATEST

TRENDING