Malacañang, gusto ng ‘leeway’ sa hiring ng mga Chinese para sa infra projects

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Umapela ang Malacañang noong Oktubre 21 para sa “leeway” o palugit sa pag-hire ng mga manggagawang Chinese sa mga infrastructure projects, bagay na tinuligsa ng isang senador habang maraming Pilipinong nawalan ng hanapbuhay sa construction industry. 

Ipinahayag kamakailan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang Senate hearing na kumakatawan sa 45 percent ng mga manggagawa ng Binondo Bridge project at 30 percent ng Estrella-Pantaleon Bridge ang mga Chinese.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga nasabing tulay ay “100-percent donations from the Chinese government.”  

“We don’t pay back anything for the building of these bridges. That’s why we need to give them some flexibility in the personnel that they hire,” paliwanag nito.

Dagdag pa ni Roque, “Had this been a project that we will pay for using taxpayers’ money, of course we would insist that aside from highly technical positions, Philippine laborers should be employed. I just appeal that we should give them some leeway although we would appreciate it of course if the Chinese government should employ more Filipinos.”

Bilang panuntunan, ang mga dayuhan ay puwede lamang i-hire sa bansa “kung walang sapat na mga Pilipinong maaaring makapagtrabaho rito.”

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, tatalakayin niya ang isyu sa DPWH at labor department “upang malaman kung puwede pang igiit na mag-hire ng mas maraming Pilipino.”

Naunang ipinanawagan naman ni Sen. Francis Pangilinan sa pamahalaan ang renegotiation ng mga nasabing kontrata upang mas maraming Pilipino ang mabigyan ng hanapbuhay.

Aniya, “Baka naman kaya natin iyon, baka kinakailangan lang ng kaunting re-training ng ating mga kababayan para magkaroon ng ganung klaseng mga skills. Eh sa atin dapat unahin.”

“In the end it is our call. We can disapprove… Ang final approval is with the government, our government. And therefore, dapat wag tayong basta-basta na lang nagpapadikta,” dagdag pa ng senador.

Ayon sa isang kalalabas lamang na Social Weather Station Survey, nasa 39.5 percent ang adult unemployment rate sa bansa noong Setyembre, o katumbas ng tinatayang 23.7 milyong Pilipino.

LATEST