DSWD: Mahigit ₱83-B ayuda, naipamahagi sa 14-M pamilya sa ilalim ng SAP 2

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha niL Grig C. Montegrande (Inquirer)

Mahigit ₱83 bilyon na ang naipamahagi sa milyun-milyong benepisyaryo sa ilalim ng ikalawang bugso ng social amelioration program, pahayag ng isang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Oktubre 22.

“Ayon po sa pamamahagi natin sa digital at manual payout, nasa ₱83.5 billion na po ang naipamigay sa mga beneficiaries. At kabuuan po nito, nasa 13.9 million na beneficiary-families na ang nabigyan sa SAP 2,” ani DSWD Undersecretary Rene Glen Paje.

Sinabi ni Paje na naabot na ng ahensya ang 98% distribution accomplishment rate.

Aniya, “Ang natitirang benepisyo na lang po ay binubuo ng beneficiaries na sinasabi nating duplicates or ineligible. Ganon din po ang mga beneficiary na may mga quality issues o yung mga may information na hindi tama, at mayroon din pong mangilan-ngilan na beneficiaries na nasa hard-to-reach or geographically isolated areas.”

Ang orihinal na target ng 18 milyon ay binawasan, ayon naman kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, matapos mapag-alamang ineligible ang 200,000 pamilya.

Mahigit isang milyong pamilya rin ang nakatanggap ng ayuda mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan. Binanggit din ng ahensya na mula sa kabuuang limang milyong “waitlisted” na pamilya, nakapagsumite lamang ng 3.3 milyong pangalan ang mga local government units (LGUs).

Iginiit ni Paje na layunin ng DSWD na makumpleto ang distribusyon ngayong buwan upang makapaghanda ang mga opisyal sa implementasyon ng mga programa sa ilalim ng Bayanihan 2.

Nakikipag-ugnayan umano ang ahensya sa mga financial service providers upang resolbahin ang usad-pagong na distribusyon ng ayudang pinansyal.

LATEST

LATEST