Basura mula Amerika, nasabat ng Customs sa Subic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Bureau of Customs

Nasabat ng Bureau of Customs sa Subic Bay International Terminal dalawang containers ng ipinagbabawal na waste materials na nagmula sa Estados Unidos.

Ayon sa ahensya, dalawa sa 30 containers na consigned sa isang Bataan 2020 Inc. ay natagpuang naglalaman ng “prohibited waste materials” na “illegally imported.”

Hindi naman nilinaw ng Customs kung anu-anong mga materyal ang laman ng mga containers na nasabat noong Oktubre 22. Idineklara ang shipment na naglalaman ng lumang corrugated cartons na ginagamit sa repulping.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad tungkol sa posibleng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at iba pang environmental laws.

Maaari aniyang kasuhan ang mga nasa likod ng nasabing shipment.

LATEST

LATEST

TRENDING