Recto, nais palawigin ang Bayanihan 2

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Ralph Recto
Kuha ni: John Jerome Ganzon (Manila Bulletin)

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto noong Oktubre 20 na baka kailanganing i-“extend” ng Kongreso ang pagiging epektibo ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 matapos hindi tuparin ng executive branch ang pagbibigay sa ilang bahagi ng P140 bilyong Covid-19 aid package sa mga ahensya.

Ang Bayanihan 2 ay itinakdang magtatapos sa Disyembre 19, kasabay ng pag-adjourn ng Kongreso nang isang buwan sa panahon ng Kapaskuhan.

“We probably will have to extend validity of Bayanihan 2,” ani Recto.

Dagdag pa nito, “It’s unfortunate. We spent many hours and days crafting Bayanihan 2 which was certified as urgent to assist many sectors of society much affected by the pandemic only to be informed they are not ready to implement the same.”

Naunang napag-alaman ng mga senador na hindi pa nailalabas ng DBM ang tinatayang P24 bilyon na inilaan para sa agricultural loans at assistance para sa mga magsasaka, at P10 bilyon naman para sa tourism sector,  na naparalisa dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic ngayong taon.

Hindi pa aniya nakatatanggap ng karagdagang pondo ang iba pang mga ahensya sa ilalim ng Bayanihan 2.

“Surely, not only will it delay the assistance needed by families and businesses but will also delay economic recovery,” wika ni Recto.

LATEST

LATEST

TRENDING