Pondo para sa Covid-19 vaccine, dinagdagan ng P5.5-B ng Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Naglaan ng tinatayang P5.5 bilyong pondo ang Kamara para gamitin sa procurement ng Covid-19 vaccine, pahayag ng isang lider ng Mababang Kapulungan noong Oktubre 20, matapos umalingawngaw ang kritisimo na hindi sapat ang P2.5 bilyong pondo para pondohan ang immunization ng buong populasyon.

Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na ang “realignment” na isinagawa ng isang “small committee” ay ginawa matapos aprubahan ng Kamara sa pinal na pagbasa ang 2021 national budget.

“This is to support President Rodrigo Duterte’s program to strengthen the country’s health care system. We believe that vaccine plays a very crucial role in keeping the population safe and healthy from the pandemic,” pahayag ni Romuladez.

Dahil dito, umabot na sa P8 bilyon ang kabuuang alokasyon para sa Covid-19 vaccine.

Sinabi rin ng Department of Health (DOH) noong Oktubre 19 na hindi sapat ang P2.5 bilyong alokasyon para sa Covid-19 vaccines, habang humiling ito ng karagdagang P10 bilyon.

Ayon sa estimate ng ahensya, mangangailangan ito ng tinatayang P12.1 bilyon para mag-procure na bakuna, wika ni Undersecretary Maria Rosario Vergaire.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung hindi umano sapat ang P2.5 bilyong alokasyon para sa vaccine procurement, puwede aniyang mag-loan ang pamahalaan mula sa LandBank at Development Bank of the Philippines. 

LATEST

LATEST