Mga hotel sa GCQ at MGCQ areas, puwede nang mag-operate sa full capacity

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Puwede nang makapagsagawa ng full capacity operation ang mga hotel na matatagpuan sa mga lugar kung saan umiiral ang general community quarantine (GCQ) at modified GCQ upang matulungan ang pagbagon ng turismo, pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat noong Oktubre 21.

Ang desisyon aniya ay nakadepende sa management ng hotel, diin ng Department of Tourism (DOT).

Naglabas naman ng resolusyon noong nakaraang linggo ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) upang baguhin ang probisyon na nagpapahintulot sa mga accommodation establishments sa GCQ areas na makapag-operasyon sa ilalim ng skeleton work force.

Nakatakdang mag-isyu ng guidelines ang DOT para sa expanded operational capacity ng mga hotel.

Maraming hotels sa bansa ay kasalukuyang ginagamit bilang temporary quarantine facilities, habang ang iba naman ay pinahintulutang tumanggap ng mga staycation bookings.

LATEST

LATEST