Duterte: Sec. Villar, ‘‘di kailangang mangurakot’ dahil ‘maraming pera’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Tinuligsa ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 19 ang mga anomalya sa Department of Public Works and Highways (DPWH), subalit dinipensahan naman nito ang pinuno ng ahensya na si Secretary Mark Villar, hinggil sa pagkakasangkot nito sa mga iligal na aktibidad.

Ito ay matapos punain ng mga senador ang tinatayang P345.25 bilyong lump sump na nakalagay sa proposed 2021 badyet ng DPWH. Talamak din umano ang paghingi ng “kickback” ng mga mambabatas at opisyal ng DPWH sa mga contractors na nakakuha ng proyekto mula sa pamahalaan.

Ayon sa pangulo, ang mga taong nasa ilalim ni Villar ang dapat sisihin para sa kurapsyon sa DPWH.

Aniya, “Si Villar mayaman. Sec. Villar maraming pera, ‘di kailangan mangurakot. Ang problema, sa baba. Malakas pa rin hanggang ngayon. ‘Yung mga projects sa baba, ‘yun ang laro diyan.”

Sinabi ng Malacañang noong nakaraang linggo na “buo ang tiwala at kumpiyansa” ni Duterte kay Villar.

Unang pinuna naman ni Sen. Panfilo Lacson ang P67-bilyong alokasyon ng DPWH para sa pagtatayo ng multi-purpose buildings sa susunod na taon, habang inaasahang mas bibigyang prayoridad ng pamahalaan ang mga proyektong nakatuon sa Covid-19 response.

Humihiling ng P667.32 bilyong badyet ang DPWH sa 2021, isa sa mga pinakamalaking alokasyon sa mga ahensya ng executive branch, alinsunod sa hakbang ng pamahalaan na ipagpatuloy ang malawakang infrastructure program upang makapaglikha ng trabaho ngayong panahon ng pandemiya.

LATEST

LATEST

TRENDING