Duterte, pinuri ang ‘improvement’ sa Covid-19 response ng bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Binigyang pugay ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 19 ang pamahalaan para sa hakbang nito sa pagsugpo ng Covid-19,  at sinabing nagkaroon na umano ng “improvement” sa Covid-19 response ng bansa.

Aniya, “Meaning to say, we are working, we are succeeding, and everybody is putting his effort, sweat dito sa trabaho.”

Ayon naman kay National Task Force (NTF) COVID-19 policy chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., nagkakaroon ng spike sa ilang mga lalawigan sa bansa, kung saan binisita ang mga ito ng ilang mga miyembro ng Gabinete.

Ayon kay Galvez, patuloy na tumataas ang impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo sa La Union, Ilagan City, Isabela, at Baguio City.

Pareho rin ang kapalaran sa ilang lugar sa Mindanao tulad ng Bukidnon, ayon naman kay Sen. Migz Zubiri, na nakatira sa nasabing lalawigan. Tinawagan umano ng senador si Galvez upang humingi ng tulong.

Sinabi naman ni Galvez na pupuntang Bukidnon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang contact tracing czar ng bansa, para magbigay ng tulong kay Zubiri at iba pang mga lokal na opisyal.

Bibisita naman si Galvez sa Pangasinan at La Union kasama si Health Sec. Francisco Duque III. Samantala, Cebu ang pupuntahan ni Presidential spokesperson Harry Roque habang Laguna naman ang destinasyon ni testing czar Vince Dizon.

Magtutungo rin ang ilang opisyal ng Gabinete sa Tawi-tawi, Nueva Ecija, Leyte, at Negros Occidental upang tumulong sa management ng Covid-19 response sa mga naturang lalawigan.

LATEST

LATEST

TRENDING