Duterte, nangakong hindi ‘patatawarin’ ang mga kurap na opisyal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 19 na hindi nito patatawarin ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian at hinikayat din ang publiko na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga iregularidad upang maaksyunan ng pamahalaan

Ayon kay Duterte, handa siyang maglagay ng isang “structure” para tiyaking walang bahid ng iregularidad ang mga proyekto ng gobyerno.

Aniya,  “I do not forgive cases of corruption. Wala talaga. Walang areglo, wala lahat. No quarter given, no quarter asked.”

“Iyang sa mga project sa baba, iyon ang laro diyan. So we might, maybe, place another structure there – structure to improve the integrity of the projects and puwede ninyong ma-report maski ano, basta corruption and walang patawad,” dagdag pa ng pangulo.

Ipinahayag ni Duterte ang mga komento ilang araw matapos nitong ilarawan ang kurapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang “grave.”

Kumbinsido naman ang pangulo na hindi sangkot sa usapin ng kurapsyon si DPWH Secretary Mark Villar.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, buo pa rin ang tiwala ni Duterte sa kalihim dahil epektibo nitong natapos ang mga ipinangakong infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build program.

“Secretary Villar has lots of money. He does not need to steal money. The problem is in the lower level, and it’s still serious until now,” diin ng pangulo.

Dagdag pa nito, “Tell me the name… of the engineer. Most of the personnel of DPWH are project engineers.”

Hinikayat din nito ang publiko na iulat ang mga anomalya sa government hotline na 8888.

Pinaalalahanan din nito ang mga ahensya na i-publish ang mga detalye ng mga proyekto, kabilang na ang mga interesadong bidders, upang masuri ng publiko ang kani-kanilang mga background.

LATEST

LATEST

TRENDING