Duterte: Marawi rehab, posibleng tumagal pa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Tatlong taon mula nang muling manaig ang kapayapaan sa Lungsod ng Marawi, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 19 na maaaring “tumagal” pa bago matapos ang rehabilitasyon ng lungsod, bagay na ikinadismaya ng mga residente nito.

Hindi umano “madali” ang rehabilitasyon ng Marawi dahil matagal aniya ang clearing ng mga bomba at nagkakaroon din ng “overlap” sa mga titulo ng lupa, giit ng pangulo.

Aniya, “The problem is about Marawi community itself, hindi sa gobyerno… The money is there, do not worry and we will continue to spend until such time that Marawi is rebuilt to its former glory.”

“It might take some time before we can really reach the ideal place that you’d call home,” dagdag pa ni Duterte. 

Karamihan sa mga residente ng Marawi ay hindi pa nakababalik dito at marami rin ang hindi pa nakatatanggap ng ayuda, ayon naman sa Marawi Reconstruction Conflict Watch, na kinabibilangan ng mga Maranao at Muslim professionals.

“Itong mga tao na nagrereklamo, sabi there is no liberation of Marawi yet. Look, government liberated Marawi not from the people of Marawi, we do not do that and we never did it. We liberated Marawi against the terrorist Maute, pati iyong ISIS,” wika ni Duterte.

Dagdag pa nito, “If you’re talking about liberation, tapos na iyan at the expense of blood on both sides.”

Naunang ipinahayag ng pamahalaan na ang Marawi rehabilitation projects ay “nagpapatuloy” at inaasahang makukumpleto sa Disyembre 2021.

Libu-libong kabahayan ang nawasak nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga sundalo at grupong Maute na may kaugnayan sa mga teroristang ISIS, kung saan mahigit 350,000 katao ang naapektuhan ng putukan.

LATEST

LATEST

TRENDING