Duterte, ‘maghahanap ng pera’ para bayaran ang utang ng PhilHealth sa Red Cross

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 19 na “maghahanap ito ng pera” para bayaran ang utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross, na napilitang suspendehin ang pagsasagawa ng Covid-19 tests dahil sa hindi nabayarang utang.

Aniya, “Ditong Red Cross, h’wag kang mag-alala, mabayaran ito. We’re just looking for a way to present the solution to sa COA, pati sa budget. Do not worry. We will pay. It will take time, but we’ll pay. We’ll look for the money.”

“Hindi naman marami, but ang priorities natin dito is really medical–medical treatment, medical attention. Babayaran ito in a short while. Do not worry,” dagdag pa ng pangulo.

Nakapagtest ang Red Cross ng tinatayang 1 milyong indibidwal, o malapit sa one-fourth ng kabuuang 3.8 milyong tests sa buong bansa. Sinabi ng organisasyon na hindi na ito tatanggap ng mga specimens para sa PhilHealth funded-tests hangga’t hindi nababayaran ng ahensya ang utang nito sa Red Cross.

“Dumaan tayo sa malaking gastos and we are trying to make both ends meet. Parang lastiko, talagang binabanat natin nang husto iyong resources natin,” giit naman ng pangulo. 

LATEST

LATEST

TRENDING