Duterte, binanatang muli ang mga sangkot sa iligal na droga

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Muling binirahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 19 ang mga nasa likod ng bentahan ng iligal na droga sa bansa, sabay sabing handa umano nitong akuin ang pananagutan sa inilunsad nitong kampanya kontra droga.

Ayon kay Duterte habang sumasangguni sa datos ng  Dangerous Drugs Board, dalawa mula sa 100 Pilipino edad 10 hanggang 69 ay gumagamit ng iligal na droga. Nasa 1.6 milyon umano ang bilang nito, mas maliit sa tinatayang 4 milyong drug users noong nanunungkulan pa bilang PNP chief si ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

“We are still in the thick of the fight against shabu,” ani Duterte.

Inabisuhan din nito ang mga magulang na palaging bantayan ang kanilang mga anak upang mailayo sa landas ng iligal na droga.

Aniya “Parents should have also a shared responsibility. Dapat kayo din ang masisi nito. Kung ‘yung anak ninyo pupunta na doon sa kanta ni Freddie Aguilar, Anak. ‘Yan ‘yun eh, pinabayaan ninyo. Check on your children. Always. Supervise, check. Kasi diyan ninyo maaalagaan ang kapakanan ng anak ninyo.”

Iginiit naman ng pangulo na handa siyang managot para sa mga namatay dahil sa kanyang “war on drugs”.

“You can hold me responsible for anything, any death that has occurred in the execution of the drug war. Pero ‘wag ninyo ako bintangan diyan sa patayan na hindi mo alam kung sinong pumatay,” paliwanag ni Duterte.

Ayon sa pangulo, nagsusumite ng ulat ang pulis kung may napapatay sa operasyong may kinalaman sa iligal na droga.

“Ang pulis, kapag nakapatay ‘yan, mag-report ‘yan. Diyan kunin ninyo ang report, pag-aralan ninyo, bago kayo magdaldal o bago kayo magdemanda.” paliwanag ng pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING