Pag-endorso ni Sara Duterte kay Velasco, ‘tipping point’ sa sigalot ng Speakership: Velasco

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at House Speaker Lord Allan Velasco

Ang endorsement aniya ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay ang “tipping point” sa sigalot sa pagka-House Speaker, ayon kay bagong House Speaker Lord Allan Velasco noong Oktubre 19.

Naglabas ng pahayag ang alkalde, na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, noong nakaraang linggo na ang kanyang partidong Hugpong ng Pagbabago, ay sumusuporta sa term-sharing deal sa pagitan nina Velasco at ang dating Speaker na si Rep. Alan Peter Cayetano.

“I believe Mayor Sara really has a lot of influence not only in Congress but in a lot of areas also. With her party Hugpong ng Pagbabago joining or endorsing my speakership, definitely I believe it was a tipping point,” ani Velasco.

Itinakdang umupo si Velasco bilang Speaker ngayong buwan sa ilalim ng term-sharing agreement na binuo ni Pangulo Duterte, subalit iginiit ni Cayetano ang panannatili nito sa puwesto hanggang Disyembre para sa pagpapasa ng 2021 badyet.

Sa pahayag kung saan sinabi ni Mayor Duterte-Caprio na “igagalang” nito ang nasabing term-sharing deal, nakasaad din na lumipad si Velasco patungong Davao City para hingin ang tulong ng alkalde bilang chairperson ng regional party.

Sinabi naman ni Velasco na hinikayat niya si Mayor Duterte-Carpio na tumakbo bilang pangulo “nang milyong beses” at iginiit na susuportahan niya ito kung tutuloy man sa pagtakbo.

LATEST

LATEST