Malacañang: Logistics para sa distribusyon ng Covid-19 vaccine, isang ‘hamon’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Habang kumalap na ng pondo ang mga awtoridad para sa Covid-19 vaccine, ang importation at storage nito ay mananatiling “hamon,” pahayag ng Malacañang noong Oktubre 19.

Ang potential coronavirus vaccine ay dapat ilagay sa malamig na storage facility, na may temperaturang aabot sa -90 degrees Celsius, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Isa lamang ang ganitong pasilidad ng bansa at ito ay ang Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City.

Dapat umanong magtayo ang pamahalaan ng mas maraming vaccine storage facilities o hikayatin ang pribadong sektor na gumawa nito, dagdag pa ni Roque.

Aniya, “Matindi rin iyong paghamon ‘pag lumabas na ang bakuna. Ngayon pa lang, ang talagang mensahe ni Presidente, maghanda na tayo— so iyong mga detalye, hindi lang iyong perang pambili.”

“Ang challenge ngayon talaga e iyong storage saka iyong logistics ng pagpapdala rito ng gamot at saka iyong distribution network,” dagdag pa ni Roque.

Samantala, interesado naman ang bansang Russia sa pagtatayo ng pharmaceutical facility sa bansa para sa vaccine candidate nitong Sputnik V, ani Roque. 

Unang naglaan ang pamahalaan ng P2.5 bilyong pondo para bumili ng 40 milyong doses ng Covid-19 vaccine. Kung hindi ito sapat, puwede umanong kumuha ng loan ang gobyerno mula sa LandBank at Development Bank of the Philippines.

Bibigyan ng prayoridad sa pamamahagi ng bakuna ang mga mahihirap, frontliners, at mga sundalo.

“Huwag po tayong umasa na one day lahat tayo mai-immunize, masasaksakan kasi siyempre may pag-angkat iyan, may distribution iyan,” giit ni Roque.

Dagdag pa nito, “E kung ayuda nga po na P100 billion, mga 4 na buwan bago natin naibigay… Sa pag-immunize po, ganoon din iyan. Medyo may panahon po iyan na lilipas at hindi naman po iyan overnight.”

LATEST

LATEST

TRENDING