DOH: Inisyal na 2021 badyet para sa pagbili ng Covid-19 vaccines, hindi sapat

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire

Sinabi ng Department of Health (DOH) noong Oktubre 19 na hindi sapat ang nakalaan nitong on ₱4.5-trilyong 2021 badyet para sa pagbilin ng Covid-19 vaccines para i-immunize ang 20% ng pinakabulnerableng sektor ng bansa.

₱2.5 bilyon lamang ang inilaan sa 2021 national budget para sa procurement ng bakuna kontra Covid-19. Ayon kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, kinakailangan pa ng karagdagang ₱10.5 bilyon kung nais ng bansa maabot ang inisyal nitong target na makapagbigay ng dalawang doses ng bakuna sa bawat healthcare workers at indigents.

Aniya, “Kapag tinignan ang priority population especially as pronounced by the President, noong kinompute natin lahat ‘yan, it totaled to ₱12.1 billion, so kulang ng about ₱10.5 billion sa budget na iyan.”

Ayon sa DOH, nakatanggap ito ng commitment mula sa iba pang mga mambabatas na nagde-deliberate sa national budget na tiyaking may sapat na pondo para sa pagbili ng bakuna.

Bagama’t naipasa na ng kamara ang 2021 badyet, sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco na gusto nilang taasan ang alokasyon sa pamamagitan ng maliit na panel na mag-aamyenda sa badyet.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng pangulo na hiling niyang mabigyan ng bakuna ang lahat ng Pilipino habang binibigyang prayorida ang mga mahihirap, pulis, at sundalo.

LATEST

LATEST